IKINUKUNSIDERA ngayon ng Japan ang paglulunsad ng 2-plus-2 security talks sa Pilipinas.
Parehong nagpagkasunduan ng lider ng Japan at Pilipinas ang paglulunsad ng security talks sa pagitan ng Foreign at Defense Ministry ng dalawang bansa upang pagtibayin ang kooperasyon hinggil sa patuloy na tumataas na maritime assertiveness ng China sa rehiyon.
Sa isang phone call na tumagal ng 25 minuto, ang ideyang ito ay nagpagkasunduan ni Prime Minister Fumio Kishida at Philippine President Rodrigo Duterte upang pagtibayin pa ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Nagpahiwatig naman ng matinding pagsalungat si Prime Minister Fumio Kishida sa kahit anong hakbang na baguhin sa dahas na pamamaraan ang status Quo ng East at South China Sea.
Una ng naitatag ng Japan ang 2-plus-2 framework sa United Atates, Australia, Britain, France, Germany, India, Indonesia, at Russia.
Napagkasunduan rin ng dalawang lider na magsumikap pa upang maisakatuparan ang libre at bukas na Indo-Pacific region.