ARESTADO ang dalawang itinuturing na street level individual (SLI) matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Biñan City, Laguna.
Ayon kay Police Colonel Randy Glenn Silvio, acting provincial director ng Laguna Police, kinilala ang mga suspek na sina alyas Daleng, residente ng Caloocan City at si alyas Bogard, residente ng Biñan City, Laguna.
Nahuli sila matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nakumpiska sa kanila ang 1.1 gramo na ilegal na droga na nagkakahalaga ng P7,150 buy-bust money at cellular phone.
Nasa kustodiya na ng Biñan City Police Station ang mga suspek na sasampahan ng paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).