PLANO ng pamahalaan na 5 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang ituturok sa mamamayang Pilipino para sa isasagawang tatlong araw na National Vaccination Day.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer and vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., kasabay ng paggunita ng National Heroes Day gagawin ang tatlong araw na bakuna simula sa pagtatapos ng buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre 1 ngunit ito ay proposal pa lamang.
Dagdag din ni Galvez isa rin sa mga dahilan kung bakit isasagawa ang 3 day National Vaccination Day ay para makita yung mga lugar na dapat pang palakasin sa pagbabakuna.
Bibigyan aniya ng mga dagdag na vaccinator at mga personnel na pwedeng mag-encode sa mga lugar na mahihina pagdating sa pagbabakuna.
Ayon din kay Galvez sa bagong direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magtulong-tulong ang lahat ng ahensiya ng gobyerno para mapabilis ang suporta sa mga local government unit (LGU) hinggil sa pagde-deploy ng mga bakuna.
Ito’y alinsunod pa rin sa target ng pamahalaan na 1 milyong mamamayang Pilipino ang mabigyan ng bakuna bawat araw.
Sa ngayon ani pa ni Galvez, nagkaroon na sila ng pagpulong ng league of governors at mayors kasama nila Secretary Franciso Duque, Sec. Eduardo Año at Sec. Vince Dizon kasama ng national vaccination centers para tugunan din ang pangangailangan ng mga LGU sa agarang pagdeploy ng mga bakuna.
Ipinaliwanag din ni Galvez na wala namang nakikitang problema kung bakit may 47 milyong dosis pa ng bakuna sa storage facility na hindi pa nadi-distribute.
Giit ni Galvez, sadyang dumagsa lamang ang mga bakuna sa bansa ngayong buwan ng Oktubre na pumapatak sa halos 1.5 milyong dosis ang dumarating bawat araw.
Ibig sabihin steady na ang supply ng mga bakuna.
Sa ngayon ang mga bakunang nasa storage facility ay ibinabahagi na sa iba’t ibang rehiyon at probinsiya ng bansa.
Yun nga lamang aminado din si Galvez isa sa mga hamon nila ngayon ay ang distribusyon ng mga bakuna gaya ng Pfizer, Moderna, at Sputnik V na pawang mga sensitibong bakuna.
Dahil ilan lamang sa mga probinsya ay limitado lamang ang cold chain facility para sa mga naturang bakuna.
Samantala, para naman kay Secretary Galvez, napapanahon na para sa kanya na gawin na mandatory ang pagbabakuna.
Ang pahayag ni Galvez ay kasunod sa isinusulong na “no vaccine, no subsidy” ng DILG sa mga 4Ps beneficiary.
Good news naman ngayon para kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang halos kalahating milyon o 462,160 ang nabakunahan noong nakaraang linggo, o November 7.
Ayon kay Roque, ito ang pinakamataas na bilang na nabakunahan sa loob ng weekend kahit araw ng pahinga.
Samantala, mahigit 64.1 million na ang total vaccines administered sa buong Pilipinas hanggang nitong Nobyembre 7, 2021
Ayon sa National COVID-19 Vaccination dashboard, sa bilang na ito, nasa 38.21—or 29,477,961 ang fully vaccinated.
Sa Metro Manila, nasa 98.94% na o mahigit nine million ang nakatanggap ng first dose habang 89.95% po ang fully vaccinated o katumbas ng mahigit 8.7 million.
Inaasahan naman ang pagdating mamayang gabi ng nasa kabuuang 2,805,000 doses ng Sputnik V vaccines sa bansa na binili ng pamahalaan.
Lalapag ito mamayang alas siyete ng gabi at inaasahan din natin na sasalubungin nga ito ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
