NAKAUWI na ang nasa 40 na distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait.
Nitong January 16 nang sila ay bumiyahe pauwi.
Kasama ni Department of Migrant Workers (DMW) Usec. Hans Leo Cacdac, umuwi ng bansa ang mga naturang OFW.
Matatandaan noong nakaraang Biyernes ay nagpunta ng Kuwait si Overseas Workers Welfare Administration Administrator Arnel Ignacio at Cacdac para tingnan ang tunay na kalagayan ng mga OFW.
Kasunod iyon ng ulat na pahirapan ang sitwasyon ng mga OFW sa shelter ng Kuwait.
Sa ngayon ayon kay
Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan Ople, nakikipagtulungan ang DMW sa mga awtoridad ng Kuwait para mapababa ang bilang ng mga kaso at maiuwi ang mga distressed OFWs.