NASA 97.5 percent na ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang nagpapatupad ng 5 araw na in-person classes.
Batay ito sa ulat ni Department of Education (DepEd) spokesperson Attorney Michael Poa sa isang press conference ngayong Lunes.
Habang nasa 2.36 percent naman aniya ang nagpapatupad ng blended learning.
Ayon kay Poa, ilan sa mga paaralang ito ay apektado ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Sinabi ni Poa na classroom congestion pa rin ang karaniwang concern ng mga paaralan na nagbalik sa face-to-face classes.