Bahagi ng Commonwealth Avenue, isasara para sa konstruksiyon ng MRT-7

Bahagi ng Commonwealth Avenue, isasara para sa konstruksiyon ng MRT-7

ISASARA sa gabi hanggang madaling araw mula Hulyo 25 hanggang Disyembre 6 ang bahagi ng Commonwealth Avenue sa Fairview Quezon City.

Ito ay para bigyan-daan ang konstruksiyon ng Regalado Station ng Metro Rail Transit Line-7 (MRT-7).

Sa advisory ng Department of Transportation (DOTr), apektado ang bahagi ng Regalado Avenue hanggang Fairlane Street para sa paglalagay ng steel structure ng istasyon.

Sa westbound na bahagi, magsisimula ang pagsasara ng kalsada sa Hulyo 25 mula 10pm hanggang 5am.

Sa eastbound naman na bahagi, magsisimula ang pagsasara ng kalsada sa Agosto 8 hanggang Disyembre 6 sa parehong oras.

Payo ng DOTr sa mga motorista, planuhin na ang mga alternatibong ruta sa mga pupuntahang destinasyon.

Maaari ding bumisita sa Facebook page ng ahensiya sa:

https://www.facebook.com/dotrph/posts/pfbid02nauhqingvdahti8pvfsgtjdrhxgjsawqvgnxl1gh5iv7gbwzeb23ulhx3wb3sjyml.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter