5 barangay sa Cordillera, idineklarang drug-free

5 barangay sa Cordillera, idineklarang drug-free

IDINEKLARANG drug-free na ang 5 barangay sa Cordillera ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC).

Kabilang sa mga lugar na idineklarang drug-free ang Bakakeng Central, Irisan, Loakan Proper, Lourdes Subdivision Extension sa Baguio City, at Pico sa La Trinidad, Benguet.

Sa resolution ng ROCBDC, nasa 13 na barangay ang nananatiling lugar na drug cleared.

Nasa 9 na mga barangay naman ang kasalukuyang bineberipika para sa drug-free status kabilang ang Daga, Guinaang, Guinamgaman, Ili, Katablangan, Mawigue, Nabuangan, Puguin, at Talifao sa Apayao Province.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter