SA unang pagkakataon ay nakuha na ng Filipino-American TikTok star na si Bella Poarch ang kanyang Kids’ Choice Awards.
Itinanghal si Poarch bilang Favorite Social Music Awards sa awards ceremony na idinaos sa Los Angeles, California.
Tinalo ni Poarch ang mga kapwa nitong social media stars na sila Dixie D’Amelio, Stephen Sanchez, Jojo Siwa, That Girl Lay Lay, at Oliver Tree.
Pinasalamatan naman ni Poarch ang kanyang mga taga suporta na itinuturing niyang pamilya dahil sa pagbibigay ng kanyang unang awards para sa kanyang musika.