TUMAMA ang magnitude 4.8 na lindol sa Tinaga Island, Camarines Norte kaninang 5:57 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ng lindol ay sa layong 12 kilometers southeast ng Tinaga Island at tectonic ang origin.
Sa unang impormasyon na inilabas ng PHIVOLCS, nakasaad na 5.3 ang magnitude ng lindol pero kalaunan ay ibinaba ito sa 4.8 magnitude.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V:
– Mercedes, Camarines Norte
Intensity IV:
– Guinayangan, Quezon
– Tagkawayan, Quezon
Intensity III:
– Buenavista, Quezon
– Lopez, Quezon
– Naga City, Camarines Sur
Intensity II:
– Catanauan, Quezon
– San Narciso, Quezon
Dagdag ng PHIVOLCS, posibleng makaranas ng aftershocks bunsod ng naturang lindol.
