Top most wanted persons sa Central Luzon, tiklo

Top most wanted persons sa Central Luzon, tiklo

ARESTADO ang tatlong top most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operations sa Central Luzon.

Sa ulat kay PRO 3 Regional director Police Brigadier General Cesar Pasiwen, kabilang sa nahuli si Elmerchor Coro, alyas Melchor Coro, top 10 most wanted person sa Aurora.

Si Coro ay nahaharap sa kasong rape.

Habang nahuli rin sina Ronald Musni, top 2 most wanted person sa Macabebe, nahaharap sa paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016; at Bryan de Silva, top 9 most wanted person sa Olongapo City, nahaharap sa kasong carnapping.

Tiniyak naman ni General Pasiwen ang walang humpay na kampanya laban sa mga wanted individuals upang mapanagot sila sa nagawang krimen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter