SISIMULAN na ang proseso ng deportation o pagpapauwi sa mga dayuhang biktima ng human trafficking na nasabat sa Clark Pampanga.
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla na mahigit 1-K dayuhan at ilang Pilipino ang nabiktima ng sindikatong sangkot sa online scams.
Kaugnay nito ay tiniyak ni Remulla na mananagot sa batas ang mga natukoy na sangkot sa ilegal na aktibidad na kinabibilangan ng mga dayuhan.
10 suspek aniya ang hawak na ng pamahalaan habang 20 saksi naman ang nakakustodiya na tetestigo laban sa mga suspek.