DILG, pinangunahan ang SIM card registration info drive sa mga LGU

DILG, pinangunahan ang SIM card registration info drive sa mga LGU

HINIMOK ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na itaas ang kamalayan ng kanilang mga nasasakupan sa bagong batas na Republic Act No. 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act.

Kasabay ito ng panawagan ng DILG sa LGUs na hikayatin ang kanilang mga residente na iparehistro ang kanilang SIM card simula sa Disyembre 27, 2022.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., dapat isagawa ang maigting na information drive sa grassroots level at magstep up ang LGUs sa pagbibigay kaalaman sa publiko ukol sa requirements at kahalagahan ng batas.

Kasama ang LGUs, makikipagtulungan din aniya ang DILG sa DICT at NTC para mapabilis ang pagpapatayo ng registration facilities sa mga geographically-isolated areas.

Hinimok din ni Abalos ang mga magulang at guardians na maging responsable at irehistro ang SIM na ginagamit ng kanilang menor de edad na anak o kamag-anak sa ilalim ng kanilang pangalan upang maprotektahan ang mga ito mula sa ill-intentions individuals.

Iginiit ng kalihim na makatutulong ang SIM Registrastion Act sa PNP at iba pang law enforcement authorities sa paglaban sa tumataas na electronic communication-aided criminal activities sa Pilipinas gaya ng mobile phishing, text spams, online scams, bank frauds at identity theft.

Follow SMNI NEWS in Twitter