DILG Sec. Abalos, inireklamo ng pamemersonal ni NegOr Cong. Arnie Teves

DILG Sec. Abalos, inireklamo ng pamemersonal ni NegOr Cong. Arnie Teves

TAHASANG sinabi ni Negros Oriental Congressman Arnie Teves na pinipersonal daw ito ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr.

Sa isang press conference sa Pasig, Huwebes ng hapon, ayon kay Teves, nag-ugat ang isyu matapos nitong pitikin ang hakbang ni Abalos na ‘courtesy resignation’ sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Para sa kongresista, shortcut ang nasabing hakbang.

“Para sa akin, kung magsho-shortcut na lang tayo parati? Ba’t pa tayo nagtayo ng Kongreso? We must abolish Congress di ba? Kung hindi na natin kailangan ng batas-shortcut na lang,” ayon kay Rep. Arnie Teves, Negros Oriental 3rd District.

Dahil sa komentong iyon, ay nakatanggap ng impormasyon si Teves na may plano laban sa kanya ang DILG chief.

“Now, bakit ako humingi ng presscon? Gusto ko malaman niyong lahat na pinipersonal na ako ni Benhur Abalos. May naririnig akong mga order na nagpapa-apply ng search warrant sa bahay ko at kung wala daw makuha lagyan lang. Kaya ngayon, pinadagdagan ko na ang mga CCTV yung bahay ko, naka-iCloud na at lahat para safe. Dahil sa totoo lang, kung gagaguhin ka talaga sa search, yari ka eh. Lagyan ka lang ng granada, unbailable na,” aniya pa.

Tiwala naman si Teves na sureball ang source ng kanyang impormasyon.

Sa ngayon, gumagalaw na ang legal team ni Teves para ihanda ang kanilang susunod na mga hakbang.

“Marami na po kaming iniisip, we are in the process now of collating and validating information with the ending view of resorting of the many remedies ng isang tao na nilalabag ang kanyang civil and political rights,” pahayag ni Atty. Ferdie Topacio, legal counsel ni Teves.

Samantala, nilinaw naman ni Teves na wala na itong kinalaman sa e-sabong.

At suportado nito ang programa ng pamahalaan laban dito.

May panawagan naman si Teves kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 

Teves, nanawagan kay PBBM na kontrolin ang mga tao nito at iwasan ang pamemersonal

“Sana Mr. President makikiusap ako sa’yo wala sanang… Yung mga tao niyo po na huwag gumamit ng dahas at huwag gumamit ng pera at power ng gobyerno para sa sarili nilang kapakanan,” ani Teves.

Dumulog naman ang SMNI News sa kampo ni Sec. Abalos, pero tumanggi muna silang magbigay ng pahayag. DILG 

Follow SMNI NEWS in Twitter