DAHIL sa labor shortage at mga bagong alituntunin na nagbibigay ng limitasyon na mag-overtime ang mga truck and food delivery drivers sa bansa ay inilunsad ang “DeliRo” robot sa Japan.
Ang Japan ay isa sa may pinakamatandang populasyon sa mundo kung saan halos 30 porsiyento na mga mamamayan nito ay may edad na higit sa 65.
Marami rin ang nakatira sa rural areas na walang madaling access sa mga pang araw-araw na pangangailangan.
Kaya naman inaasahan ng kumpanya na makakatulong ang robot na ito upang maibsan ang labor demand ng bansa at makakatulong sa mga nakakatandang mamamayan sa bulubunduking lugar.
Ayon kay Hisashi Tanaguchi, presidente ng ZMP Robotics Company ay self-supporting ang adorable robot na ito at kayang lumayo o umilag sa mga harang sa daan.
Ang “DeliRo” robot ay may charming looks, may malaki at expressive na mga mata na maaaring maluha kapag ito’y naharangan.
Sinabi naman ng robot company na may magmo-monitor sa “DeliRo” robot habang ito’y nag o-operate.
Sa ngayon ay patuloy na pinag-aaralan ang mechanism ng delivery robot para mas ligtas itong magamit.
Samantala, mas pag-aaralan pa ng mga awtoridad ang paglulunsad ng nasabing robot upang di maapektuhan ang human employment sa bansa.
Simula ngayong Abril ay inaasahan na sa pamamagitan ng revised traffic laws ay maaari nang makapag operate ang mga self-driving delivery robots sa lansangan ng Japan.
