Gian Mamuyac, bagong alas ng Phoenix

Gian Mamuyac, bagong alas ng Phoenix

Bilang bahagi ng trade, ipinadala ng Rain or Shine ang kanilang second-round pick kapalit ng first-round pick ng Phoenix sa PBA Season 53 Draft.

Matatandaang ilang buwan ding sinubukang mapirmahan ng Elasto Painters si Mamuyac sa bagong kontrata, ngunit nauwi ito sa trade matapos mabigong magkasundo ang magkabilang panig.

Sa huling conference, nagtala ang two-time All-Star ng averages na 13.1 points, 3.4 rebounds, 3.1 assists, at 1.2 steals kada laro.

Inaasahang pipirma si Mamuyac ng bagong tatlong taong kontrata sa Phoenix at posibleng magdebut laban sa Barangay Ginebra sa July 19 sa Smart Araneta Coliseum.

Follow SMNI NEWS in Twitter