Kinilala ng Philippine Sports Commission ang Philippine Archery Team matapos ang matagumpay nitong kampanya sa Singapore Youth Archery Championships, kung saan nag-uwi ang bansa ng 13 gold, 10 silver, at 7 bronze medals.
Personal na tinanggap nina PSC Chairman Patrick Gregorio at Commissioner Edward Hayco ang delegasyon ng Pilipinas bilang pagkilala sa impresibong ipinakitang kampanya ng koponan.
Ayon kay Gregorio, bunga ito ng mahusay na programa at world-class coaching ng South Korean mentors na sina Ryu Su Jeng at Hong Sung Chil.
Kabilang sa mga nagwagi ng gintong medalya sa huling araw ng torneo sina Mariano Matteo Medina, General Marc Bangoy, Leila Jell Cano, Mateusz Vaughn Johnson, at Abigail Lim.
