Hawks Guard Dejounte Murray, sinuspendi ng isang laro

Hawks Guard Dejounte Murray, sinuspendi ng isang laro

SINUSPENDI ng National Basketball Association (NBA) ng isang game si Atlanta Hawks Guard Dejounte Murray matapos makipag-away sa isang referee.

Ayon sa NBA, nangyari ang insidente matapos matalo ang koponan ni Murray laban sa Boston Celtics sa iskor na 129-121.

Matatandaan, nag-viral sa social media ang isang video na nagpapakitang si Murray ay nakabangga sa isang referee habang nagtatalo.

Sa ngayon ay patuloy pa ring titingnan na ng asosasyon ang insidente para tukuyin kung maaari pang patawan ng parusa ang manlalaro.

Dahil sa suspensiyon, aasahan na hindi makapaglalaro si Murray sa Game 5 ng Hawks vs Boston Celtics ngayong Martes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter