BUKAS ang Russia sa inaalok na ceasefire ng Ukraine at Estados Unidos ngunit may concern lang anila ayon kay Russian President Vladimir Putin.
Sinabi ni Putin na maaaring ang ceasefire na inaalok ay gagamiting daan upang bigyang pagkakataon ang Ukraine na makapag-regroup para rumesbak.
Kailangan aniya nila ng tiyak na kasunduan tungo sa long-term ceasefire.
Si US President Donald Trump ay sinabing handa naman siyang makipagpulong kay Putin hinggil sa ceasefire agreement.