Konstruksyon ng agri tourism road sa Negros Occ., natapos na

Konstruksyon ng agri tourism road sa Negros Occ., natapos na

TAPOS na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos ng access road sa Talisay City, Negros Occidental.

Ang proyekto ay makapagbibigay ng maayos na daan para sa mga tourist destinations doon na mapanghihikayat ng mga turista.

Maliban pa dito, mapapadali ang pag-transport ng mga ibabiyaheng produkto ng mga magsasaka dahil sa maayos na daan.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P34-M.

Ito ay bahagi ng 2018-2022 Multi-Year Program ng DPWH.

 

Follow SMNI News on Twitter