DINUMOG ang libu-libong supporters sa isinagawang grand rally ng BBM-Sara UniTeam nitong Abril 23 sa Earnshaw, Sampaloc, Maynila.
Maaga pa lang at kahit mainit ang panahon, dagsa na ng mga libu-libong taga suportang Manilenyo ang BBM-Sara UniTeam grand rally sa Lungsod ng Maynila.
Pinangunahan ni mayoralty candidate Atty. Alex Lopez ang pag-oorganisa ng naturang aktibidades, kasama ang kanyang ka-tandem na si VM bet Raymond Bagatsing kabilang ang mga nasa hanay sa konseho at Kongreso.
Sa unang pagkakataon, nagkasama ang magkapatid na sina Atty. Alex at Cong. Manny Lopez ng Distrito 1, kasama ang kanilang pinsan na nagbabalik na si Cong. Carlo Lopez sa nasabing grand rally.
Nagpakita ng pagsang-ayon ang kanilang tagasuporta at sinabayan ito ng malakas at paulit-ulit na sigaw na “Lopez!”
Pinangunahan rin nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani ang mga performers ng nasabing programa.
Ilan sa mga naunang performers at artists ang Plethora Band, X-Battalion, at Hale.
Nakiisa rin ang ang mga tumatakbong senador na sina Migz Zubiri, Atty. Larry Gadon, Mark Villar, Atty. Harry Roque, Win Gatchalian, Gringo Honasan, Jinggoy Estrada, at Herbert Bautista.
Nagpasalamat naman si Mayor Inday Sara kay Atty. Alex Lopez at sa kanyang mga kasama dahil naging posible ang grand rally sa Manila.
Nagagalak na pinakilala ni Atty. Alex si Senador Bongbong Marcos at ipinahayag ni Lopez na iisa ang kanilang layunin ng BBM-Sara UniTeam – ang mapaigting ang pagsugpo sa problema sa kahirapan ng bansa.
Ipinakita ng kaganapang ito ang pagkakaisa para sa ating Inang Bayan.
At pinatunayan ng naturang grand rally ang mga naglabasang surveys kung saan nangunguna sina BBM, Sara, Atty. Alex, at Raymond para sa darating na May 9 polls.
Nagtapos ang makasaysayang programa ng pagtataas ng kamay nina BBM at Sara sa mga tumatakbong kandidato ng Maynila na pinangungunahan ni Atty. Lopez at Raymond Bagatsing.
“Solid ang Maynila sa tambalang UniTeam sa Maynila,” wika ni Marcos, Jr.