BINIGYANG diin ni Manila Mayor at ngayo’y presidential candidate Isko Moreno na organic ang lahat na dumadalo sa kanyang campaign sorties.
Ito’y dahil aniya, unti-unti na nyang nakukumbinsi ang silent majority o mga botanteng nanahimik lang sa nalalapit na halalan.
Sa isang pahayag, sinabi pa ni Moreno na hindi siya gumastos para maghakot ng mga tao sa kanyang pangangampanya at ang libu-libong dumalo ay totoo niyang mga taga-suporta.
Sa campaign sorties nito noong nakaraang linggo sa Tagbilaran City, Bohol, sinabi ng kampo ni Moreno na aabot sa apatnapung libo ang mga taga-suporta na dumalo dito.