Jaja Santiago, sasabak sa inaugural season ng LOVB

Jaja Santiago, sasabak sa inaugural season ng LOVB

Magiging bahagi si Jaja Santiago, na kilala rin bilang Sachi Minowa, ng San Francisco Signal sa inaugural season ng League One Volleyball.

Makakasama niya sa koponan ang ilang kilalang international players, kabilang ang Olympic champion na si Kelsey Cook at Thai setter na si Pornpun Guedpard.

Kasama rin sa organisasyon ang South Korean volleyball star na si Kim Yeon-koung bilang founding creative partner at co-owner ng koponan.

Dadalhin ni Santiago sa Estados Unidos ang karanasang nakuha sa siyam na taong paglalaro sa Japan, kabilang ang pagiging kampeon kasama ang Osaka Marvelous noong 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter