Jane de Leon, inihayag na ang naging karanasan niya ang nagpapabuti sa kanyang sarili

Jane de Leon, inihayag na ang naging karanasan niya ang nagpapabuti sa kanyang sarili

IBINUNYAG ni Jane de Leon na naranasan na nitong maging mahirap sa buhay.

Ito ang dahilan kung bakit hindi bago sa kanya ang magsikap.

Ayon kay Jane de Leon, maayos ang pamumuhay nila noon subalit nagsimula silang malugmok nang lokohin ng kaibigan nito ang kanyang negosyanteng ama.

Sa pagkalugmok na iyon, naranasan na aniya ang mahirapang makahanap ng makain at asin o kaya’y tuyo na may mantika nalang ang meron sila.

Noong kakasimula lang din niyang mag-artista, naranasan din niya kasama ang kanyang ina na umidlip sa dressing room, sa MRT, o sa convenience store para lang hindi mahirapang pumasok sa trabaho dahil malayo pa ang biyahe nito mula Laguna papuntang Quezon City.

Ngayon, natutunan ni Jane ang magpasalamat sa kung anuman ang meron siya ngayon lalo na’t kung babalikan niya ang naranasang kahirapan noon.

Naging tulay rin aniya ang kanyang karanasan para mapabuti ang sarili.

Follow SMNI NEWS in Twitter