KASALUKUYANG nag-uugnayan ang mga bansang Japan, Britain at Italy para sa isang jet fighter project nito.
Layunin ng proyekto ang magkaroon ng advanced front-line fighter jet sa taong 2035.
Pinaghalong British-Led Future Combat Air System Project at F-X Programme ng Japan ang jet fighter project ng tatlong bansa.
Tatawagin itong Global Combat Air Programme ayon sa tatlo.
Inspirasyon ng tatlo ang nangyayaring digmaan o pananakop ngayon gaya ng Russia at Ukraine at ang mas pinalakas na pwersa ng China sa paligid ng Japan at Taiwan.
Ang jet fighter project na ito ay nakatutulong sa Japan na mapalawig ang kanilang militar.
Para naman sa Britain, ang sanib-pwersang proyekto ay magbibigay proteksyon sa isang rehiyon sa mundo na key driver sa global economic growth.
