Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong Disyembre

Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong Disyembre

MAYROONG dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Disyembre.

Sa abiso ng Meralco, tataas ng 0.33 sentimos kada kilowatt hour ang kanilang singil sa paparating na December 2022 bill.

Ito ay dahil natapos na ang isa sa apat na refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ang dagdag-singil ay katumbas ng P66 na dagdag bayarin sa mga residential customer na kumukunsumo ng 200 kilowatt hour; P99 sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; P132 sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at P165 sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt hour.

 

Follow SMNI News on Twitter