GRADUATE na bilang magna cum laude sa kursong political science ang TV host na si Jhong Hilario.
Sobrang proud naman ang host para sa kaniyang panibagong achievement dahil aniya, pinagsisikapan niyang makamit ang anumang nakamit nya ngayon.
Itinuring pa ni Jhong na katuparan niya ito sa ginawa niyang pangako sa kaniyang mga magulang.
Binigyang-diin ni Jhong na hindi hadlang ang edad para makamit ang isang bagay.
