Job availability sa Japan, umunlad noong 2022

Job availability sa Japan, umunlad noong 2022

UMUNLAD noong nakaraang taon ang job availability sa Japan matapos ang 4 na taon kasabay ng muling paglakas ng ekonomiya at aktibidad sa bansa.

Ang job to applicant ratio ay umangat ng 0.15 point mula sa 1.28 point noong naunang taon.

Ang datos na ito ay mababa pa rin mula sa pre-pandemic level na 1.6 point noong 2019 na nangangahulugan naman na ang full recovery ng bansa ay kailangan pa ng sapat na panahon.

Ang ratio na ito ay nangangahulugan ng 128 job openings sa 100 job seekers sa bansa.

Sa mga industriya sa Japan, ang lifestyle at entertainment sectors ang may pinakamataas na paglago na sinundan naman ng accommodation at restaurant services. job availability sa Japan

Noong 2019, ang jobless rate sa Japan ay umabot sa 2.4% pero lumala pa ito sa 2.8% noong 2020 at 2021.

Samantala, naitala namang nasa isang milyon at pitundaang libong katao sa bansa ang nananatiling unemployed noong nakaraang taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter