WALANG problema kung magkaroon ng joint military exercises ang Pilipinas at China.
Sinabi ni Atty. Harry Roque na kaibigan naman ng lahat na bansa ang Pilipinas.
Pagkakataon na rin ito ayon kay Roque na magkaroon ng people-to-people contact sa China lalo na’t pilit na ipinapaniwala ng Estados Unidos na kalaban ang mga Tsino.
Sa people-to-people contact, napapatunayan na wala nga namang kaaway ang mga Pilipino.