Notoryus na lider ng CTG, nasawi sa engkuwentro sa Misamis Oriental

Notoryus na lider ng CTG, nasawi sa engkuwentro sa Misamis Oriental

NASAWI ng tropa ng gobyerno ang notoryus na lider ng communist terrorist group (CTG) matapos ang engkuwentro sa Brgy. Libertad, Gingoog City, Misamis Oriental.

Kinilala ito na si Dionesio Micabalo, alyas “Muling”, regional secretary ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC), at miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee.

Nakuha sa encounter site ang AK47 rifle na may dalawang magazine, caliber .22 rifle, at iba pang gamit.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) Commander LtGen. Greg Almerol na responsable ang grupo ni Micabalo sa karahasan at criminal activities sa bahagi ng Bukidnon, Misamis Oriental, at bahagi ng Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Nahaharap si Micabalo sa kasong double murder with frustrated murder, multiple frustrated murder, arson, murder, at paglabag sa RA 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.

Inaasahan ng militar na sa pagkasawi ni Micabalo ay tuluyang nang mabubuwag ang NCMRC at magagapi ang CTG sa Eastern Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble