INANUNSYO ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang kanyang pagbibitiw bilang pinuno ng partido.
Sinabi ni Trudeau na agad siyang aalis sa opisina bilang punong ministro kapag nakapili na ng bagong pinuno ang liberal party.
Ayon sa kanya, ang mga panloob na alitan sa partido ay nagdulot ng hirap upang harapin ang kanyang mga kalaban sa politika.
Naharap si Trudeau sa tumitinding panawagan mula sa loob ng kanyang partido at iba pang sektor na siya’y magbitiw.
Inihayag din niya na ang parlamento ay ipagpapaliban hanggang Marso 24, ibig sabihin, titigil ang operasyon nito sa loob ng dalawa’t kalahating buwan.
Ayon kay Sachit Mehra, presidente ng liberal party, gagawa sila ng pagpupulong upang pumili ng bagong pinuno ngayong linggo.
Si Justin Trudeau ay siyam na taong nagsilbi bilang Canadian Prime Minister.