Kamara, tutulong maresolba ang problema sa cyberattacks sa ilang gov’t websites

Kamara, tutulong maresolba ang problema sa cyberattacks sa ilang gov’t websites

NABABAHALA si Speaker Martin Romualdez sa insidente ng cyberattacks sa ilang ahensiya ng pamahalaan kamakailan.

Ito nga’y pagkatapos ibalita ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mula sa teritoryo ng China ang mga nagtangkang mang-hack sa website ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sinabi ni Romualdez na isang usapin ng national security at public interest ang mga insidente ng pag-atake sa mga email at website ng mga government agency.

“I express deep concern regarding the recent cybersecurity breaches in government agencies, as reported by the DICT. The revelation that hackers, suspected to be operating from China, have infiltrated the email systems and internal websites of various government agencies, is a matter of national security and public interest,” ayon kay Rep. Martin Romualdez, House Speaker.

Kailangan aniya itong aksiyunan kaagad lalo’t ilan sa mga ahensiyang nabiktima ay critical domains tulad ng cabsec.gov.ph, coastguard.gov.ph, cpbrd.congress.gov.ph, dict.gov.ph, doj.gov.ph, ncws.gov.ph, at ang mismong private domain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

“The fact that these breaches have targeted critical domains such as cabsec.gov.ph, coastguard.gov.ph, cpbrd.congress.gov.ph, dict.gov.ph, doj.gov.ph, and ncws.gov.ph, in addition to the private domain of President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., signifies a dire need for an immediate and comprehensive response,” pahayag ni Romualdez.

Iginiit din niya na ang pag-atake sa ating mga sistema ay hindi lamang banta sa ating pamahalaan kundi pagnanakaw na rin sa ating sariling tahanan.

“Ang pag-atake sa ating mga sistema sa internet ay hindi lamang banta sa ating pamahalaan kundi pagnanakaw na rin sa ating sariling tahanan. Hindi natin ito dapat palampasin at kailangan nating labanan,” saad ni Romualdez.

Dahil dito, pinatatawag ng Speaker ang DICT at iba pang concerned agencies para magsagawa ng briefing sa harap ng House Committee on Public Information at House Committee on Information and Communications Technology.

“In light of these alarming developments, I am calling on the DICT and other concerned agencies to conduct a thorough briefing for the House of Representatives,” wika ni Romualdez.

Tututok ito sa klase at lawak ng cyberattacks, ang mga kasalukuyang hakbang na ginagawa upang maiwasan ang mga hinaharap na insidente, at mga estratehiya para mapabuti ang ating imprastruktura sa cybersecurity.

“This briefing should focus on the nature and extent of these cyberattacks, the current measures in place to prevent future incidents, and strategies for enhancing our cybersecurity infrastructure,” ayon kay Romualdez.

Paliwanag pa ng House Leader, mahalaga ang transparency sa usapin na ito dahil ito ay nakaaapekto hindi lamang sa integridad ng digital infrastructure ng ating pamahalaan kundi pati na rin sa kaligtasan at privacy ng ating mga mamamayan.

“Transparency in this matter is crucial as it affects not just the integrity of our government’s digital infrastructure but also the safety and privacy of our citizens,” dagdag ni Romualdez.

Nakahanda ang Kamara na sumuporta sa pamamagitan ng paggawa ng mga panukalang magpapalakas sa ating cybersecurity.

“The House of Representatives stands ready to support any legislative action necessary to enhance our cybersecurity and protect our nation from such digital threats. We take this matter with utmost seriousness and urgency,” ani Romualdez.

Atty. Roque sa cyberattack: Sisihin ang sarili, ‘wag ang iba

Samantala, para naman sa isang international law expert, sa halip na isisi sa China ay dapat na lang ayusin ng pamahalaan ang ginagawa nito para pangalagaan ang mga website nito.

“Ano ba namang argumento ‘yan na merong Tsino na kompanya na nagha-hack, samantalang wala namang ginagawa ang mga ahensiya natin para pangalagaan ‘yung ating websites,” ayon kay Atty. Harry Roque, International Law Expert.

“Tingnan niyo ang PhilHealth. Ni walang anti-virus, ni walang kahit anong protection sa kanilang sistema, ni wala ngang security guard sa building ‘yan eh,” dagdag ni Roque.

“Wag po tayong manisi ng iba. Ang sisihin natin, sarili natin. At ‘wag tayong magsasabi ng mga hacking-hacking ay China,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble