MISMONG si retired Chief Justice Hilario Davide Jr. na ang nagsabing sa halip na makabuti ay mas makasasama ang planong pag-amiyenda sa 1987 Constitution.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes sinabi ni Davide na walang sapat na dahilan para amiyendahan ang 1987 Constitution na mistulang sayaw ng Cha-Cha na magdadala sa hukay.
Ayon kay Davide, na naging miyembro ng 1986 Constitutional Commission na bumuo sa Konstitusyon, ang pag-amiyenda sa ilang economic provisions ay magdadala lang ng mas seryoso at malaking problema sa bansa.
Ang public hearing sa RBH 6, na naglalayong amiyendahan ang ilang economic provisions ng 1987 Constitution kabilang ang public services, education, at advertising industry.