Konstruksyon ng PNR Clark phase 2, nagpapatuloy

Konstruksyon ng PNR Clark phase 2, nagpapatuloy

NAGPAPATULOY ang konstruksyon sa PNR Clark phase 2 kung saan itinatayo na ang unang pile cap sa pampanga sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa natitirang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, ibat-ibang proyekto na ang naipatayo nito habang ang iba naman ay patuloy ang konstruksyon.

Isa sa mga proyekto ng administrasyong Duterte ay ang Malolos hanggang Clark railway o mas kilala bilang PNR Clark phase 2 at ngayon puspusan na ang konstruksyon nito kung saan itinatayo na ang unang pile cap nito.

Sa facebook post ni DOTR Secretary Arthur Tugade, sinabi nito na 32.58 percent na ang overall completion ng naturang proyekto.

Bahagi ng 147 kilometer North and South Commuter Railway (NSCR) line ang PNR Clark.

Kasabay nito, ang PNR Clark ay mayroong 35 stations kung saan mag-ooperate ang 464 train cars na may 58 8-cat train sets configuration.

Sinabi pa ng ahensya, sa oras na makumpleto ay ang dating isang oras at kalahati na travel time ay magiging 30 hanggang 35 minuto na lamang sa pagitan ng Bulacan at ng Pampanga.

SMNI NEWS