NAGPAPATULOY ang legal battle sa pagitan ng aktor na si Brad Pitt at dating asawang si Angelina Jolie.
Hinggil ito sa isang French winery na kanilang pagmamay-ari noon.
Batay sa legal documents, sinabi ni Pitt na pinapayaman lang ni Jolie ang kaniyang sarili at intensiyonal siyang sinisira ng aktres.
Hindi rin aniya nakabatay sa batas ang pagbenta ni Jolie sa kaniyang share sa French winery.
Ayon kay Pitt, napagkasunduan nila ni Jolie na walang magbebenta ng kanilang share sa winery kung hindi pumapayag ang kabilang partido.
Sa panig ni Jolie, ayaw lang kumpletuhin ni Pitt ang French winery sale kung hindi tatahimik ang aktres hinggil sa umano’y pang-aabuso ni Pitt noong 2016 sa isa sa kanilang flight.
Samantala, taong 2016 nang ganap nang divorced si Pitt at Jolie habang taong 2021 nang ibinenta ng aktres ang kaniyang share sa French winery.