INANUNSIYO ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na magpapatupad ito ng mas maikling operating hours sa December 24 – Christmas Eve, at December 31 – New Year’s Eve.
Ayon sa LRTA, ito ay dahil na rin sa inaasahang mas mababang bilang ng mga pasahero sa mga naturang okasyon.
Layon din nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng Light Rail Transit (LRT) 2, na makapagdiwang kasama ang kani-kanilang pamilya ngayong holiday season.
Mananatili namang regular ang operasyon ng LRT-2 sa December 25, Christmas Day, December 30, Rizal Day at January 1, 2023, New Year’s Day.
Paalala naman ng LRTA, patuloy na ipinatutupad ang “No Inspection, No Entry” policy sa mga dalang gamit ng mga pasahero, lalo na sa gift-wrapped items.