Nagwagi ang Magnolia Hotshots kontra Converge FiberXers matapos itong pataubin sa iskor na 106-94 sa Philippine Basketball Association (PBA) Season 50 Commissioner’s Cup sa Ynares Center Antipolo.
Nakapagtala ng ika-apat na panalo sa huling limang laro ang Hotshots matapos magtala ng 20-point lead sa ika-apat na quarter, bagama’t kinailangan nilang pigilan ang paghabol ni Juan Gomez de Liaño.
Pinangunahan ni Chapman ang Magnolia sa 22 points at 14 rebounds, habang nag-ambag si Zav Lucero ng 17 points at 14 rebounds.
Ayon kay head coach LA Tenorio, itinuring nilang parang playoff game ang laban dahil sa dikit-dikit na standings.
Sa kabila nito, nanguna para sa Converge si Juan Gomez de Liaño na may 22 puntos, habang nag-ambag sina Alec Stockton at Justin Arana ng mahusay na performance.
