Malacañang, nanguna sa meeting ng 2023 FIBA World Cup hosting ng bansa

Malacañang, nanguna sa meeting ng 2023 FIBA World Cup hosting ng bansa

PINANGUNAHAN mismo ng Malacañang ang meeting para sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup hosting.

Isinagawa ito nitong Miyerkules, April 12 sa Malacañang conference room.

Ayon kay Senior Deputy Executive Sec. Hubert Guevara, handa silang tumulong dito upang makamit ang ligtas, maayos at matagumpay na pagdaraos ng tournament.

Si Philippine Sports Commission (PSC) at Inter-Agency Task Force Chairman Richard Bachmann naman ang nag-arrange ng naturang FBWC gathering na dinaluhan ng Office of the Executive Secretary, Leaders at Representatives ng iba’t ibang government agencies, at FBWC committee maging ang PSC commissioners na sila Olivia Coo, Matthew Gaston, Walter Francis Torres, at Edward Hayco.

Ngayong August 25 – 30 magiging host para sa tournament ang Pilipinas, Japan, at Indonesia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter