Mga kandidato ng CTGs sa BSKE, mino-monitor ng NYC at NTF-ELCAC

Mga kandidato ng CTGs sa BSKE, mino-monitor ng NYC at NTF-ELCAC

MAHIGPIT na imo-monitor ng National Youth Commission (NYC) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Posible kasi na may mga kandidato ang teroristang CPP-NPA-NDF.

Nagbigay ng payo ang NYC at NTF-ELCAC sa mga Pilipino na boboto sa darating na BSKE sa darating na Oktubre.

Ito ay ang maging mapanuri sa mga ihahalal dahil baka kalaban na ng estado ang kanilang mapili sa darating na halalan sa barangay.

Posible kasi na may mga kakandidato na kaanib sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Sa isang virtual forum, binigyang-diin nina Usec. Ronald L. Cardema, chairman ng National Youth Commission at si Prosec. Flosemer Chris I. Gonzales, Associate Provincial Prosecutor at Spokesperson for Regional Task Force 6 (RTF6) – ELCAC na kabataan ang pangunahing target ng makakaliwang grupo sa kanilang recruitment.

“Nanjan ang New People’s Army, mga fronts nito sa mga paaralan, nire-recruit ang ating mga kabataan kaya tayo nakaka-sustain sa mga debate laban sa Bayan Muna ng Anak Pawis ng Kabataan is dahil dati akong miyembro ng Kabataan sa UP kaya hndi ako masasabihan na red tagger ako kasi dati nila akong miyembro,” ayon kay Usec Ronald L. Cardema, Chairman, National Youth Commission.

“Recruitment of the youth is reality nangyayari po it is happening kung sino man ang nagpupumilit na nagsasabing the NPA does not recruit students and youth is basically out of reality or maybe this is propaganda machinery talking.”

“Kung babalikan natin ang kasaysayan, marami nang estudyante ng mga unibersidad sa buong bansa sa Luzon Visayas at Mindanao ang mga nangamatay sa mga engkwentro,” saad naman ni Prosec. Flosemer Chris I. Gonzales, Associate Provincial Prosecutor, Spokesperson for Regional Task Force 6 (RTF6)–ELCAC.

Aminado si Usec Cardema na may mga kandidato mula sa hanay ng mga kabataan ang pinapatakbo ng mga makakaliwang grupo upang sirain ang gobyerno.

“Alam nyo tuluy-tuloy yan kahit sa mga current SK ngayon, meron naman meron silang members pero mga ano lang SK chairmans SK Kagawad, dun sa mga provincial wala naman,” dagdag ni Cardema.

Kaya naman payo ni Usec. Cardema sa mga kabataan na lalahok sa SK election na huwag umanib sa mga makakaliwang grupo at huwag magpagamit upang sirain ang ating bansa.

“We are in joining dun sa mga kabataan na gusto mag participate, ang sinasabi naman natin sa kanila gusto nyong pumasok sa gobyerno para maglingkod para palakasin ang gobyerno at ang ating bansa wag kayong makig-alyado sa nagpapabagsak sa gobyerno at nagpapabagsak sa bansa dahil kayo ang front ng NPA sa hanay ng mga SK sa hanay ng mga kabataan tapos kayo rin ang inatasan sa inyong komunidad na palakasin ang gobyerno sa inyong lugar,” ayon pa kay Cardema.

Kaya naman paalala ni Prosecutor Gonzales sa mga tatakbong kandidato ngayong darating na BSKE, maging sa mga opisyal ng gobyerno, na may pananagutan sa batas ang sinumang susuporta sa mga makakaliwang grupo.

 “At dito naman sa ating mga barangay officials, palagi namang ini-engage yung mga local executives, yung mga opisyales natin sa gobyerno, we are reminding them that under Anti-Terror Act, giving of any support to terrorist organization is punishable under the law and that caries of disqualification from the government service,” pahayag ni Prosec. Flosemer Chris I. Gonzales Associate Provincial Prosecutor, Spokesperson for Regional Task Force 6 (RTF6) – ELCAC.

Sa ngayon ay kumpiyansa naman ang NYC at NTF-ELCAC na wala nang susugal pa at susuporta sa CPP-NPA-NDF dahil alam na ng taong bayan na walang magandang maidudulot ang pag-aaklas laban sa gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter