PABOR para kay Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang ipinapanukalang tanggalin ang homework para sa mga mag-aaral tuwing weekend.
Sa panayam ng SMNI News, ito’y para mabigyan din ng pagkakataon ang mga kabataan na makapaglaro.
Naibahagi na ni House Committee on Basic Education & Culture Chairperson Roman Romulo sa panayam din ng SMNI News na may memorandum order na ang Department of Education (DepEd) para sa lahat na sakop nitong paaralan hinggil dito noong taong 2010.
Ang sinabi ni Romulo na posibleng isinasama na sa panukala ang private schools.
Si Tutok to Win Party-list Rep. Sam Verzosa ang nagpanukala ng House Bill No. 8243 o ang ‘no-homework policy’ para sa lahat ng primary at secondary schools sa bansa.
Ito’y para hindi ma-overwork ang mga kabataan na siyang makaaapekto na tuloy sa kanilang academic performance.
Sa kabilang banda, sinabi ni Romulo na pinag-aaralan na rin ngayon ng DepEd na bawasan ang mga subject na dapat pag-aralan ng mga estudyante.