Nasayang na mga balota, sinimulan nang dalhin sa COMELEC warehouse sa Laguna

Nasayang na mga balota, sinimulan nang dalhin sa COMELEC warehouse sa Laguna

ANG mga nasayang na mga balota hindi patatagalin sa National Printing Office (NPO) at kailangang mai-dispose para hindi ito magamit sa paparating na halalan.

Ngayong araw ay nagsimula na ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagta-transport ng mga nasayang na balota.

Lahat ng mga nasayang na balota sa NPO, kailangang dalhin o i-transport sa COMELEC warehouse sa Laguna para sa disposal. Matatandaan na sinabi ng COMELEC nasa mahigit na milyon.

Para sa unang batch, nasa mahigit 251,000 na balota na ang dinala sa Laguna.

Ito ay dumaan sa imbentaryo at verification ng COMELEC.

Ang lahat na ilalabas na balota para sa disposal ay kailangang dumaan sa imbentaryo.

Sa taya ng COMELEC, mahigit isang linggo ang gugugulin nila sa pagta-transport ng mga balota.

Ang paper trimmings o pinagtabasan ng balota, ay kailangang dalhin din sa warehouse para ma-dispose.

Pati ang mga ito ay kailangang na-imbentaryo ng komisyon.

Lahat ng ito ay sisirain o tutunawin kasama ang mga balota.

Election Management System, binabago na ng COMELEC para sa pagdaragdag ng mga pangalan ng aspirante sa mga balota

Inaasikaso na rin ngayon ng COMELEC ang pagpapabago sa kanilang Election Management System (EMS) bago ang pagpapalabas ng mga bagong ballot face template.

Sa bagong ballot face, dapat nakalagay na ang 5 aspirants na nakakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Korte Suprema.

Kapag natapos na ito ay saka anila makakapag-resume o makakapagpatuloy ang komisyon ng pag-iimprenta ng mga balota.

 COMELEC, gagamit na ng mga makina ng National Printing Office (NPO) para sa pag-imprenta ng mga bagong balota

Pagdating sa re-printing, kailangan nang gumamit ng karagdagang makinarya ang COMELEC.

Ang apat na printing machines ng NPO ay gagamitin na ng komisyon kasama ang dalawang makina na mula sa MIRU Systems.

Ito ay sabay-sabay na gagamitin para maihabol ang mahigit 70M na mga balota.

Ngayong araw ay sinuri na ng COMELEC ang apat na makina ng NPO.

Sa kanilang timeline, pagdating ng Abril 14 ay dapat tapos na sila sa printing kahit pa nga pansamantala nilang sinuspinde ang pag-iimprenta ng mga balota.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble