Hari ng Malaysia, pinaalalahanan ang publiko na tumanggap ng booster shot

PINAALALAHANAN ng hari ng Malaysia ang publiko na tumanggap ng booster shot at sumunod sa standard operating procedures.

Pinayuhan ni Yang Di Pertuan Agong Sultan Abdullah Ri ‘Ayatuddin Al-Mustafa Billah Shah ang publiko na tumanggap ng booster shot ang mga Malaysian upang maprotektahan ang kanilang sarili at mga mahal sa buhay.

Ayon sa comptroller ng Royal household Ahmad Fadil Shamsuddin, pinaalalahanan ng hari ang mga tao na ipagpatuloy ang pagsusunod sa SOP upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

Aniya, ang Health ministry at National Security Council ay nagpapahusay ng mga hakbang sa pag-iwas sa COVID-19, border control lalo na sa mga bansang kinasasangkutan ng bagong variant na Omicron.

Dagdag pa niya, ayon sa World Health Organization, ang variant ay may mataas na panganib ng reinfection at ang mutation nito ay maaring magpahina sa mga bakuna.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang hari sa mga proactive measures na ipinatupad ng Health ministry upang maging handa sa posible muling pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sanhi ng Omicron variant.

SMNI NEWS