MAS pinaigting ng Office of the Vice President (OVP) ang information drive nito hinggil sa mga serbisyo na maaaring i-avail ng publiko sa nasabing ahensiya.
Tumungo sa Bacolod Satellite Office ang OVP team sa pangunguna ni Atty. Reynold Munsayac, spokesperson ng OVP, upang ipaalam sa mga residente ang mga serbisyong maaari nilang makuha mula sa OVP tulad ng medical o hospitalization assistance at burial assistance.
Ayon sa OVP, ang mga serbisyo ay iniaalok din sa iba pang mga satellite offices ng ahensiya.
Nagtayo ng satellite offices ang OVP sa mga lungsod ng Davao, Zamboanga, Cebu, Tandag sa Surigao del Sur, Tacloban, Dagupan, at Bacolod.