Umaabot sa P3.4 milyon na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency–Negros Island Region sa isinagawang buy-bust operation sa Bacolod City noong Mayo 12.
Kinilala ang suspek sa alyas Nonoy, 23-anyos, residente ng Purok Boulevard, Barangay 14, sa nasabing lungsod.
Narekober mula sa indibidwal ang limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tinatayang 500 gramo at may standard value na P3.4 milyon.
Nakuha rin sa operasyon ang buy-bust money, isang eco bag, brown paper bag, cellphone, at isang motorsiklo.
Kasalukuyang nasa kostudiya na nang pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
