“ALL-cleared” nang maglaro para sa Gilas Pilipinas si Kai Sotto ngayong nalalapit na ang 2023 FIBA World Cup.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President al Panlilio, pinapahintulutan na ng mga doktor si Sotto na maglaro kasunod ng pagkaroon nito ng back injury mula sa kaniyang NBA Summer League Stint.
Isa aniya itong magandang balita para sa Gilas kasunod ng pagretiro ni Poy Erram.
Sa ngayon ay sumasama na si Sotto sa mga pag-eensanyo ng Gilas Pilipinas.