Pag-iikot ni US VP Kamala Harris sa WPS, magiging problema lamang kung may kasamang matataas na opisyal ng gobyerno –Atty. Roque

Pag-iikot ni US VP Kamala Harris sa WPS, magiging problema lamang kung may kasamang matataas na opisyal ng gobyerno –Atty. Roque

WALANG problema sa pagbisita ni United States Vice President Kamala Harris sa Pilipinas partikular na sa isla ng Palawan na kaharap sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang sinabi ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa SMNI News sa pagdating ni VP Harris para sa kanyang tatlong araw na state visit sa bansa.

Ngunit ani Roque na magiging problema lamang ito kung sa pag-iikot ni Harris partikular na sa Honda Bay sa Palawan sakay ng BRP Teresa Magbanua.

Nilinaw rin ni Roque na hindi dapat ikagalit ng Tsina dahil ang binisitang isla ng US Vice President sa Pilipinas ay hindi naman sakop ng pinag-aagawang teritoryo.

Matatandaan na ikinababahala ng ilan na posibleng maging probokasyon sa China ang pagbisita ni US Vice President sa bansa tulad ng nangyari noon sa Taiwan sa pagbisita ng isang opisyal doon na ikinagalit ng Beijing.

Follow SMNI NEWS in Twitter