3 miyembro ng kalaban ng estado, sumuko sa militar sa Bukidnon

3 miyembro ng kalaban ng estado, sumuko sa militar sa Bukidnon

SUMUKO ang tatlong miyembro ng kalaban ng estado sa tropa ng gobyerno sa Impasugong, Bukidnon.

Sa ulat kay 8th Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Anthony Bacus, kinilala ang mga sumuko na sina Roel Saavedra, Vice Commanding Officer ng Platoon 1, Regional Sentro De Grabidad Compaq, North Central Mindanao Regional Command (NCMRC); Raul Litionia, Team Leader Bravo ng grupo; at Irine Almahan Haguilay.

Ibinunyag ng tatlo na hindi na nila matiis ang matinding gutom at pagod dahil sa walang tigil na operasyon ng militar kaya nagdesisyon na silang sumuko.

Pinasalamatan naman ng militar ang naging hakbang ng mga dating kalaban ng gobyerno na pinili ang kapayapaan.

Nasa kustodiya na ng 8IB ang tatlo habang pinoproseso ang mga benepisyong matatanggap nila mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Follow SMNI NEWS in Twitter