ISINUSULONG ng isang grupo ang paggamit ng nuclear energy sa bansa na tutugon sa problema sa suplay ng kuryente at iba pa.
Ito kasi ang nakikitang solusyon ng isang grupo sa problemang kinakaharap ng Pilipinas.
Tulad na lamang ng kakulangan ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa bansa, mataas na bayarin ng kuryente at iba pa.
Naniniwala rin si Pangasinan 2nd District Representative Mark Cojuangco na siyang chairman ng nuclear committee sa Kamara.
Ipinunto ng mambabatas, makatutulong ito dahil mas mura kung ikukumpara sa coal power plant.
Mas praktikal din aniya kung ikukumpara sa renewable energy.
Pagbibigay-diin pa ni Cojuangco, iba’t ibang bansa na ang gumamit ng nuclear energy.
Dagdag pa nito na mayroon ng substitute bill mula sa inihaing panukala sa Mababang Kapulungan para sa pagkakaroon ng paggamit ng nuclear energy sa bansa.
Samantala, ganito rin ang kampanya ng Philippine Nuclear Research Institute ng Department of Science and Technology.
Sa katunayan, ipinasilip sa media ng ahensiya ang nag-iisang nuclear reactor na gumagana ngayon sa bansa.
Ang research reactor ay theoretically at kapareho ng principle ng mayroon katulad sa nuclear power plant kung saan heat ang kinukolekta na makapag-produce ng electrical energy.