PBBM, handang makipag-usap kay Ukrainian President Zelensky

PBBM, handang makipag-usap kay Ukrainian President Zelensky

HANDANG kausapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Ayon kay Pangulong Marcos na handa ang Pilipinas na magbigay ng suporta sa Ukraine.

Sinabi ito ni Pangulong Marcos nang siya ay tanungin kung magkakaroon ba ng phone call conversation sa pagitan nila ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

“I have no problem with talking to President Zelensky, especially now that mainit na ang giyera doon sa kanila. So of course we are — again on the side of peace and that remains the same. But any expressions of support that he might feel is needed, we are happy to provide it,” saad ni Pangulong Marcos.

Pagsuporta sa peace plan ng Ukraine, hindi desisyon ng Pilipinas

Nang tanungin naman kung susuportahan ng pamahalaan ang 10-Point Peace Formula para wakasan ang sigalot sa Ukraine, ito ang naging tugon ng Punong Ehekutibo.

“Those details are for — should there be talks Ukraine and — between Ukraine and Russia, sila mag-uusap tungkol diyan. We support any effort towards peace, anything basta’t matigil ang patayan, matigil ang giyera. ‘yun na muna. Tapos kung papaano nila gagawin, what will they do with the territories that have changed stance, et cetera. That is really clearly between the two countries,” dagdag ng Pangulo.

Kamakailan ay inilatag ni Ukrainian President Zelensky ang planong 10-Point Peace Plan for Peace.

Bahagi ng nasabing plano ay ang pag-withdraw ng pwersa ng Russia mula sa Ukraine at pagtigil ng labanan, pagkumpirma na tapos na ang digmaan, at pagpapalaya sa mga bilanggo.

DFA, pumalag sa hakbang ng Ukraine na hinggil sa nais nilang phone conversation kay PBBM

Pinalagan naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ginawa ng Ukraine na idaan pa sa ibang gobyerno sa pamamagitan ng media ang plano ni Pangulong Zelensky na makausap sa telepono si Pangulong Marcos.

 “First of all, we don’t really appreciate when these things are done…  Ukraine is a country we have a good relationship with, but when matters like this are vented by representatives of another government through the press, it’s not something that we appreciate,” wika ni Usec. Carlos Sorreta, DFA.

Ayon pa kay Sorreta na kinakailangan pang pag-usapan ang nais ng Ukraine na phone conversation.

Dagdag pa nito na ang ginawa ni Denys Mykhailiuk, Charges d’affaires of the Embassy of Ukraine sa Malaysia na ipaalam sa media ang nasabing usapin ay hindi magandang diplomatic practice.

“And I think I will limit my comment and if he wants this to happen, he has to –we have to discuss it. These things are arranged, talking points are discussed – there’s a pre-discussion. It’s not good diplomatic practice to do it the way he did. I think I will leave it at that,” ani Sorreta.


Follow SMNI NEWS in Twitter