NATAPOS na ang 4 na araw na state visit ni President Yoon Suk Yeol sa United Arab Emirates (UAE) na nagbunga ng 30 bilyong dolyar na business agreements.
Sa ngayon ay nagtungo na sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland si Yoon para mas palawigin ang koordinasyon ng bansa sa pandaigdigang ekonomiya at kalakalan.
Ayon kay Lee Kwan Sup, senior presidential Secretary for Policy and Planning, isa ito sa pinakamatagumpay na UAE tours ng gobyerno ng bansa na nagdulot din ng 48 memorandum of understanding sa pagitan ng UAE at South Korea.
Sa summit, umabot sa 100 kumpanya mula sa 2 bansa ang dumalo sa Korea-UAE business consultation at nagwagi sa pagkakaroon ng 11 milyong dolyar na kontrata sa 257 one-on-one consultation.
Sa dinner meeting kasama ang business representatives, tinawag ni Yoon ang kanyang sarili bilang salesman ng South Korea.
Magbibigay naman ng special speech si Pres. Yoon sa forum bukas sa ilalim ng temang “Cooperation in a fragmented world”. state visit