INIHAYAG ni Malaysia Immigration Director General Datuk Khairul Dzaimee Daud na ang Undocumented Migrants Recalibration Program ng gobyerno sa bansa ay pinalawig para sa mga dayuhang kasambahay.
Ayon kay Datuk Khairul, ang undocumented migrants ay maaaring gawing regular para ma-hire sa walong sektor.
Aniya, maaaring mag-aplay online ang mga employer upang kumuha ng mga migranteng manggagawa sa pamamagitan ng recalibration program mula Enero 27.
Nauna nang inanusyo na ang labor recalibration program ay pinalawig sa iba’t ibang sektor hanggang huling araw ng Disyembre ng taong ito.
Noong December 31, 2022, may kabuuang 410,000 undocumented immigrants ang nagsign-up upang maging regular bilang mga dayuhang manggagawa.